Gloc-9 "upuan" testo

Traduzione in:en

upuan

Kayo po na naka upo,Subukan nyo namang tumayoBaka matanaw, at baka matanaw na nyoAng tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ngMalaking bahay at malawak na bakuranMataas na pader pinapaligiranAt naka pilang mga mamahaling sasakyanMga bantay na laging bulong ng bulongWala namang kasal pero marami ang naka barongLumakas man ang ulan ay walang butas ang bubongMga plato't kutsara na hindi kilala ang tutongAt ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahonAt kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamonAng sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyanSabi pa nila ay dito mo rin matatagpuanAng tao na nagmamay-ari ng isang upuanNa pag may pagkakatao'y pinag-aagawanKaya naman hindi niya pinakakawalanKung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,Subukan nyo namang tumayo,Baka matanaw, at baka matanaw na nyoAng tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na poSa taong naka upo,Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di punoAng ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yeroSa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yeloNa di kayang bilhin upang ilagay sa inuminPinakulong tubig sa lumang takuring uling-ulingGamit lang panggatong na inanod lamang sa isteroNa nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyoAng aking inay na may kayamanan isang kalderoNa nagagamit kapag ang aking ama ay sumweldoPero kulang na kulang parin,Ulam na tuyo't asinAng singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahinDi ko alam kung talagang maraming harangO mataas lang ang bakodO nagbubulag-bulagan lamang po kayoKahit sa dami ng pero niyoWalang doktor na makapag papalinaw ng mata niyoKaya...

Wag kang masyadong halataBato-bato sa langitAng matamaay wag magalitO bato-bato bato sa langitAng matamaan ayWag masyadong halataWag kang masyadong halataHehey, (Wag kang masyadong halata)(Wag kang masyadong halata)Yeahhey...

Qui è possibile trovare il testo della canzone upuan di Gloc-9. O il testo della poesie upuan. Gloc-9 upuan testo.