Magda
[Rico]Magdalena anong problema?Bakit di ka makawala sa kadena?At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda ng hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema?Alam naman natin na dati kang nenaat sa iyong ama'y ikaw ay prinsesaAnong nangyari sayo?
Ito'y kwento nang isang babaengtulog sa umaga, gising sa gabiAng kanyang mukha'y puno ng koloretesa lugar na ang ilaw ay patay sindeSimulan nating ang istorya
[Gloc-9]Ako'y kanyang matalik na kaibiganErnesto ang aking pangalanKwentong dapat niyong malamanWag nang magbulag-bulaganBakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?Pagbibigyan kitaKilala mo ba si Magda?
Na aking kababata mula pa ng pagkabataKami laging magkasama, mga bangkang papel sa sapaKanyang ngiti lumiliwanag ang paligidat pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalagaTuwing kausap ko na, malimit akong tulalaKahit may nararamdaman, pinilit kong isara ang bibigat pintig ng puso para sa kanya
At sa sayawan, matapos kaming makapagtaposdahil pinawis ang mukha ako ay nagpunas ng pulboskahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinilapinakilala niya lalake na taga-Maynila
[Rico]Magdalena anong problema?Bakit di ka makawala sa kadena?At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda ng hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema?Alam naman natin na dati kang nenaat sa iyong ama'y ikaw ay prinsesaAnong nangyari sayo?
[Gloc-9]Maraming taon ako'y nalipasanPinilit ko mang takasanbagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailanganDi ko maibaling ang pagtingin ko sa ibaMinamahal ko siya, hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutansa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuanNakita kong larawan niya na nakadikit sa pintuanIba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngitiat dahil ubod ng saya hindi na nagatubiliAgad pumasok sa silid pero bakit ang dilim?Madaming lamesa't mga nag iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kantaSa maliit na entablado, ay nakita ko naAko ay nagtaka, nagtanong, nagkamotBakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[Rico]Ito'y kwento nang isang babaengtulog sa umaga, gising sa gabiAng kanyang mukha'y puno ng koloretesa lugar na ang ilaw ay patay sindeItuloy natin ang istorya
[Gloc-9]Agad siyang sumama sakin walang kakabakabaang trato nya sakin ay nobyo, tila katakatakaBumaba sa taxing pinara sa may Sta. MesaParang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magisingngunit ako'y nanaginip umaga na nang magisingAng naabutan ko lamang ay may sobre sa lapagliham para sakin na isinulat nya magdamagKahit gulong-gulo ang isip, pinilit kong basahindi malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[Jennylyn & Gloc-9]Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalimDi nako nag paalam, di na kita ginisingSalamat nga pala sa pasalubong mong *Kalamayat sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala koisang tunay na pag-ibig ang matatagpuan koHinanap kung saan-saan at kung kani-kaninodi ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbes na ako'y sagipin, itinulak sa banginIto palang ibig sabihin ng *kapit sa patalimKung mabaho, sabunin. Kung makati, gamutinKung hindi na masikmura ay ibaling ang tinginKahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeAlam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake
Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalakiikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sayong mga yakapAko ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanapWala na yatang walis ang makakalinis ng kalatat ang katulad ko sayo ay di karapatdapat
Pinagarap kong sa altar ako'y iyong ihatidngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhidDi ko makakalimutan ang pabaon mong halikpero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng may kapal na ikaw ay makilalaSalamat sa alaala. Nagmamahal, Magda
[Rico]Magdalena anong problema?Bakit di ka makawala sa kadena?At sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda ng hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema?Alam naman natin na dati kang nenaat sa iyong ama'y ikaw ay prinsesaAnong nangyari sayo?
Ito'y kwento nang isang babae.