Gloc-9 "Sirena" testo

Traduzione in:en

Sirena

[Ebe Dancel]Ako'y isang sirenaKahit anong sabihin nila ako ay ubod ng gandaAko'y isang sirenaKahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumbaDrum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]Simula pa no'ng bata pa ako,Halata mona kapag naglalaroKaya para lahat ay nalilito,Magaling sa chinese garter at pikoMga labi ko'y pulang pula,Sa bubble gum na sinabaPalakad lakad sa harapan ng salamin,Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"Habang kumekembot ang bewang,Mga hikaw na gumegewangGamit ang pulbos na binili kay Aling BebangUpang matakpan ang mga pasa sa mukhaNga galing sa aking amaNa tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayanLaging nalalatayan,Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayanNa imbes na tumigas ay tila lalong lumlambotAng puso kong mapagmahalParang pilik matang kulot.

[Ebe Dancel]Ako'y isan sirenaKahit anong sabihin nila ako ay ubod ng gandaAko'y isang sirenaKahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumbaDrum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]Hanggang sa naging bibinata na akoTeka muna mali, dalaga na pala 'toPero bakit parang lahat ay nalilito pa rinAno bang mga problema nyoDahil ba ang mga kilos ko'y iba,Sa dapat makita ng inyong mga mataSa tuwing nanonood ng liga laging natutulalaKahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwaKahit binaliw nas a tapang, kasi ganun na lamangAkong paluin ng tubo kahit kinakalawangTama nanaman itay, di na po ako pasawayDi ko na po isusuot ang lumang saya ni inayKapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambonIniisip ko na lamang na baka ako'y amponKasi araw araw na lamang ay walang humpay na banatAt inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

[Ebe Dancel]Ako'y isan sirenaKahit anong sabihin nila ako ay ubod ng gandaAko'y isang sirenaKahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumbaDrum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawaAking mga kapatid, lahat sila'y sumamaNagpakalayo layo ni hindi makabisitaKakain na po itay, nakahanda na'ng lamesitaAkay akay sa paglakad paisa isang hakbangNgayo'y buto't balat ang dati matipunong katawanNgayon sa inyong kaarawan, Susubukan kong palitanAng lungkot na nadarama, wag na po nating balikanKahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancerKasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakadusterIsang gabi, ako'y iyong tinawag, LumapitAko sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapitKa sa aking kamay kahit hirap magsalitaAnak, patawad sana sa lahat ng aking nagawaDi sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukhaDahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla

[Ebe Dancel]Drum na may tubig ang sinisisidNaglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdikDrum na may tubig ang sinisisidSa patagalan ng paghinga,Sa'kin kayo ay bibilibAko'y isang sirenaKahit anong gawin nilaBandera ko'y di tutumba...

Qui è possibile trovare il testo della canzone Sirena di Gloc-9. O il testo della poesie Sirena. Gloc-9 Sirena testo.