Bulag, Pipi, at Bingi
Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may maliSa bawat nilalang ay may bulag, may pipi, at may bingi
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hangganAnyo at kulay ng mundo, sayo'y pinagkaitan'Wag kang mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyanIsang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
'Di nalalayo sayo ang tunay na mundoMarami sa ami'y nabubuhay ng tulad mo'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutalPatungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawinSigaw ng puso't damdamin, wala sayong pumapansinSampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikingganPipi ka man nang isinilang, dakila ka sa lipunan
'Di nalalayo sayo ang tunay na mundoMarami sa ami'y nabubuhay ng tulad mo'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutalPatungo sa hinahangad na buhay na banal
Ano sayo ang musika, sayo ba'y mahalaga?Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinigMapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundoSa isang binging katulad mo; walang daing, walang gulo
'Di nalalayo sayo ang tunay na mundoMarami sa ami'y nabubuhay ng tulad mo'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutalPatungo sa hinahangad na buhay na banal
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutalPatungo sa hinahangad na buhay na banal