Katarungan
Sa isang kulungang bakal ayMay taong malungkot, umiiyakAng tanong n'ya sa sarili ayKailan magigisnan ang liwanagMalayo ang iniisip atNakakuyom yaring mga paladBakit daw s'ya nagdurusaSa kasalanang 'di n'ya ginawa
Kahapon lamang ay kapilingN'ya kanyang asawa at anakNamumuhay nang tahimik saIsang munting tahanang may tuwaAng kaligayahan ay pinutolNg isang paratang sa kanyaS'ya daw ang may sala sa isangKrimen na 'di naman n'ya ginawa
Wala na bang katarungan angIsang nilalang na katulad n'yaIlan pang tulad n'ya ang magdurusaNang walang kasalanan'Di ba't ang batas natin pantay-Pantay, walang mahirap, mayamanBakit marami ang nagduru-Sang mga walang kasalanan
Mga ilang araw na langHaharapin na n'ya ang bitayanPaano n'ya isisigawNa s'ya'y sadyang walang kasalananTanging ang Diyos lamang ang s'yangSaksi at s'yang nakakaalamDiyos na rin ang s'yang bahalangManingil kung sino'ng may kasalanan
Dumating na ang araw, hahara-Pin na n'ya kanyang kamatayanSa isang upuang bakal naKay dami nang buhay na inutangO, ang batas ng tao kungMinsan ay 'di mo maintindihanIlan pang tulad n'ya angMagdurusa nang walang kasalanan