Anak
Noong isilang ka sa mundong itoLaking tuwa ng magulang moAt ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo’yDi malaman ang gagawinMinamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanaySa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong kaNg iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka naNais mo’y maging malayaDi man sila payag, Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbagoNaging matigas ang iyong uloAt ang payo nila’y sinuway mo
Di mo man lang inisip naAng kanilang ginagawa’y para sa iyo
Pagkat ang nais mo’y, Masunod ang layaw moDi mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga arawAt ang landas mo’y naligawIkaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitanAng iyong inang lumuluhaAt ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”
At ang iyong mata’y biglang lumuhang di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo’yNalaman mong ika’y nagkamali